Isang 28 anyos na lalaki, arestado matapos makuhaan ng iligal na droga

CAMARINES NORTE- Isang 28-anyos na lalaki ang inaresto ng pinagsanib pwersa ng mga otoridaddakong 4:20 ng hapon nitong Hunyo 23, 2021 sa Purok 2 Barangay Santa Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Ang arestado ay nakilalang si John Louie Pabico Y Elnar, 28 anyos at residente ng Purok 2 Barangay Santa Rosa Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Nakuha sa operasyon ang isang (1) nakatuping papel na may isang (1) pirasong pakete na naglalaman ng apat (4) na piraso ng maliliit na pakete ng hinihinalang “shabu”;  Isang (1) piraso ng kulay green na lighter; Isang (1) piraso na kulay blue na lighter; Isang (1) piraso ng nakatuping aluminum foil na may residue ng hinihinalang shabu; at Isang (1) piraso ng improvised tooter na may residue ng hinihinalang shabu.

Samantala, inihahanda na ng Jose Panganiban MPS ang kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 laban sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *