Isang ambulansya, bumangga sa barrier sa bayan ng Taytay

Wasak ang harapan ng ambulansya ng VICE. GOV. FRANCISCO F. PONCE DE LEON MEMORIAL HOSPITAL nang bumangga ito sa barrier.

Ayon sa kay Borgs Alvarez, Hotline Operator ng MDRRMO Taytay, bandang alas-tres ng umaga kahapon, September 27, 2022 nangyari ang aksidente sa bahagi ng Ibangley Taytay.

Nagmula ito sa Puerto Princesa at pabalik na sa bayan ng Dumaran matapos ihatid ang pasyente.

Ang tatlong sakay kabilang ang drayber ay agad isinugod sa pagamutan.

Samantala, naka-idlip umano ang drayber ng ambulansya kaya nangyari ang aksidente, dagdag pa ng Hotline Operator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *