Isang bahagi ng national highway sa Olongapo nabutas kahapon

Nagkaroon ng butas ang isang bahagi ng national highway sa Kalaklan, Olongapo City kahapon.

Paliwanag ni DPWH District 2 Project Engr. Sammy Bilog, isang dahilan nito ay ang nakalipas na bagyong Paeng.

Nakita umano sa ilalim ang dami ng mga basura tulad ng mga sanga ng kahoy, mga bulaklak na posibleng gamit noong undas at iba pa na tinulak ng tubig.

Dahil dito ay nasira ang alignment ng culvert, naapektuhan ang cross drainage kaya’t lumambot ang ilalim ng kalsada.

Agad naman na nagsagawa ng pagsasaayos ang DPWH kahapon hanggang kanina para madaanan muli ang kalsada.

Samantala, ginagawan na rin umano ng paraan ng DPWH na magkaroon ng pondo sa 2023 para mapalitan na ang mga culvert sa lugar at para sa panibagong design na maiwasang bumara muli ang mga basura.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *