Isang bahagi ng pader ng OCNHS nakitaan ng vandals

Ikinalungkot ng pamunuan ng Olongapo City National High School ang nangyaring pag-vandalized sa isang bahagi ng pader ng paaralan.

Ito ay matapos na makita ng mga gwardiya habang nag-iikot nakaraang May 12, araw ng Huwebes.

Para maiwasang masira ang imahe ng paaralan ay agad na pininturahan ng mga ito ang pader para malinis ang bahaging mayroong vandals na “NEVER AGAIN”!

Nanawagan naman si Principal Dr. Soledad Pozon sa may kagagawan nito na kung mayroon mang mga political indifferences ay wag namang idamay ang mga gusali o bagay na pag-aari ng gobyerno.

Binigyang diin ni Pozon na nananatiling non-partisan ang paaralan kaya nakakalungkot aniya ang pangyayari.

Samantala, sa loob ng eskwelahan ay mayroong mga cctv at magkakaroon pa lamang ng phase 2 sa paglalagay naman ng cctv sa mga corner sa labas ng school.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: OCNHS TVBI

May be an image of 2 people and people standing

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *