Isang bahay, winasak ng daluyong sa Brookes Point

Winasak ng daluyong o storm surge ang isang buong bahay sa bayan ng Brooke’s Point Palawan nitong madaling araw ng Linggo sa Sitio Old Camp Bgy. Poblacion District I.

Kinumpirma ngayong umaga sa Brigada ng pamilyang Adbulmajid ang nangyari.

Kwento ng pamilya sa Brigada, nasa loob silang sampu ( 10 ) ng kanyang asawa’t anak, mga kapatid at magulang nang biglang tumaas ang tubig sa dagat at lumakas ang ulan.

Bigla umanong gumuho ang bahay at sila’y nabagsakan.

Maswerteng walang tinamong matinding pinsala sa katawan ang mga ito hanggang sila’y makalabas.

Wala umano silang naisalbang kahit na anong gamit nang tangayin ang bahay na yari sa light materials.

Samantala,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *