Maayos na inihatid sa Brigada News FM station sa bayan ng Roxas nitong umaga ng Lunes, March 13 ang isang balintong o Palawan pangolin.
Ayon sa naghatid na si Ms. Anie Ayroso, Nakita ito ng kanyang anak sa gilid ng kanilang bahay bandang alas-sais ng umaga kahapon na tinatahulan umano ng aso.
Agad na nakipag-ugnayan ang Brigada sa Department of Environment and Natural Resources para sa disposisyon ng hayop.
Ang balintong ay isa sa ikinokonsiderang endangered specie o malapit nang maubos ang lahi kaya ganoon na lamang kahigpit ang pagpapatupad ng wildlife act upang ito ay maproteskyonan sa pang-aabuso.
Samantala, nagpasalamat naman ang ahensya sa kabutihang loob ng nakakita sa balintong.