Isang barangay sa Legazpi City, nagkaroon na ng bagong multi-purpose hall

Kumpirmado mula sa pamahalaan ng Brgy. Bogna, Legazpi sa lalawigan ng Albay na isang bagong multi-purpose hall ang inilagay sa kanilang lugar.

Sinabi ni Brgy. Capt. Michael Mina ng nasbaing lugar na ang nasabing pasilidad ay maaaring gamitin bilang session hall, at local evacuation center tuwing may mga kalamidad na dumarating katulad ng mga baha at bagyo.

Ito umano ay hiniling niya kay Cong. Elizaldy Co ng Ako Bicol Party-list noong taong 2021 at itinurn-over sa kanila kahapon.

Aniya, inabot din ito ng halos isang taon bago sa kanila i-turn-over dahil may mga sama ng panahong nararanasan kung kaya’t nadi-delay ito.

Dagdag pa nito, nagkaroon din ng problema sa pael at mga dokumento kung kaya’t inabot ito ng isang taon.

Sinabi rin niya, sa kanyang nalalaman ay umabot sa sampung milyumpisong halaga ng budget ang inilaan sa nasabing proyekto sa kanilang barangay.

Inihayag din ng opisyal na sa kanilang barangay ay marami pang mga bahay na gawa sa mga light materials na siya ring nag-udyok sa kanya upang hilinging magkaroon ng gayong pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *