Isang barangay sa Legazpi City, target wakasan ang malnutrisyon ngayon taon

Tinatarget ng Brgy. Sentro Baybay sa lunsod ng Legazpi na mawakasan na ang malnutrisyon sa mga bata ngayong taong 2023.

Ayon kay Brgy. Captain Teresa Empig, ninanais ng barangay council na maubos na ang malnutrisyon tulad ng kakulangan sa timbang at height ng mga bata sa kanilang lugar.

Batay din sa tala, nasa anim ang bilang ng mga batang malnourished sa barangay kumpara nitong nakalipas na taon na nasa 146.

Tanging ginawa ng barangay upang mapababa ang mga kaso malnutrition ay tinututukan nila ang nutrition ng mga bata kung saan regular silang pinapakain ng masusustansyang pagkain.

Maliban pa rito, regular din ang kanilang monitoring sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bitamina sa kanila.

Umaasa ang punong barangay na makakamit nila ang target na zero malnutrition sa mga bata ngayon taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *