Isang barangay sa Olongapo nagsasagawa ng zero –waste community barter

OLONGAPO-Nagsasagawa ng Zero – Waste Community Barter ang Barangay Pag-asa sa Olongapo.

Ito ay para makatulong na mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pangongolekta ng mga bote na maaaring pang mapakinabangan.

Ayon kay Punong Barangay Rodolfo Catologan Sr., ang proyektong ito ay sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng barangay na nag-iikot sa mga bahay-bahay para palitan ng pagkain ang mga bote.

Samantala ang 10 piraso ng 1.5 empty bottle ay katumbas ng isang kilong bigas, ang 3 piraso naman ng plastic bottle na 1.5 ay isang pirasong sardinas o dalawang pirasong itlog at ang apat na pirasong 1.5 empty bottle ay katumbas naman ng dalawang pirasong noodles.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SK Brgy Pag-asa 

May be an image of text that says 'NUTRI CLEANSE HERBAL CAPSULE "Linis Tiyan, Sexy Darating din ang panahon na titigil at mapapagod na tayo sa kakahabol sa taong nang-iwansa sa atin... ...dahil kulang tayo sa EXERCISE! 500mg 60Casls NUTRICLEANSE HERBAL CAPSULE Food Supplement Available at: watsons APPROVED HEC southstar drug THE PHARMACY RosePharmacy BRIGADA PHARMACY INC. Sigurado'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *