Isang beach resort sa Paracale pansamantalang isinara dahil sa banta ng COVID- 19, pagbebenta ng mga non-essential goods bawal din sa Barangay

CAMARINES NORTE- Pansamantalang isinara simula nitong Lunes ang  Labnig Beach sa bayan ng Paracale, Camarines Norte dahil sa banta ng COVID- 19.

Batay ito sa kapasyahan bilang 13 S- 2021 ng Sangguniang Barangay ng Labnig na nag- aatas na isara ang beach para sa mga namamasyal, dayo at lumalangoy na tatagal hanggang May 10, 2021.

Ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga magtitinda ng non- essential goods sa naturang barangay.

Ayon sa kapasyahan dumarami na kasi ang mga dumadayo sa lugar para maligo at hindi na nasusunod ang mga health protocols.

Nagiging masamang banta  umano sa mga namamarangay kung ipagpapatuloy ang pagtanggap ng guest sa nasasakupang dagat at sa mga nagtitinda ng non- essential goods.

Kahapon muling nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

PHOTO COURTESY: JADspirits’ Footprints

Leave a Reply

Your email address will not be published.