Isang buntis na Pinay domestic worker sa Kuwait – pinatay at sinunog ng sariling amo

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na mabibigan ng hustisya ang pamilya ng isang buntis na overseas Filipino worker (OFW) na piantay at umano’y sinunog ng kanyang amo sa Kuwait.

Kinilala ni Migrant Workers Secretary Toots Ople ang biktima na si Jullebee Ranara, isang trenta’y-singko anyos na domestic worker.

Sa ulat ng Kuwaiti authorities, natagpuan na lamang umano ang mga labi nito sa isang disyerto noong Linggo.

Ayon kay Ople, nakikipag-ugnayan na sila sa mga naulila ng biktima.

Nangako rin ang Kalihim na ipaaabot nila ang lahat ng kinakailangang tulong ng mga naulila ni Ranara.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *