Isang buwan sa planetang Mars, hugis patatas?

Umani ng iba’t ibang komento ang Instagram post ng NASA kung saan ibinahagi nila ang isang litrato ng Phobos, isang buwan na matatagpuan sa planetang Mars.


Ikinamangha ng ilang netizens ang lawan ng naturang buwan at marami ang nagsasabing ito daw ay hawig ng isang patatas dahil sa kakaiba nitong itsura at hugis. Hindi katulad ng buwan na nakagisnan natin na hugis bilog, at kung minsan naman ay singhugis ng letrang “C”


Ang naturang imahe ay kuha mula sa Mars Reconnaissance Orbiter spacecraft na may layong 6,800 kilometers or 4,225 miles above the surface.


Makikita sa naturang post ang itsura ng buwan na puno ng mga butas na parang malaking planggana ang hugis na tinawag nilang “Sticky crater” at ang mala-patatas na hugis nito ay mula naman sa gravitational pull ng buwan at ng planetang Mars.


Nadiskubre ito ng isang American astronomer na si Asaph Hall noong 1877 at tinawag niya itong Phobos, dahil ito daw ay kakambal ni Deimos na anak ni Mars o Ares sa Roman mythology o mas kilala bilang God of War.### CHRISTINE RAÑA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *