LEGAZPI CITY – Nasungkit ng isang residente mula sa bayan ng Daraga, Albay ang kauna-unahang kampeonato para sa mga kababaihan sa Underground Battle Mixed Martial Arts, Predator Fight Series Atomweight na isinigawa sa Amoranto Stadium sa Quezon City.
Kinilala itong si France Anthonith Brutas, isang 3rd year college student sa Daraga Community College (DCOMC) at residente ng Brgy. Gapo ng nasabing bayan.
Samantala, bago masungkit ang kampeonato ay nakakuha na rin siya ng anim na gintong medalya sa pagiging kampeon sa Regional Grappling Championship.
Sa ngayon, inaasahan naman na sa South Korea ang magiging lokasyon ng kanyang susunod na laban.