Isang dayuhan, arestado matapos mag-bomb joke sa Dipolog Airport

Isang foreign male passenger ang naaresto sa Dipolog Airport matapos mag mag bomb joke kahapon ng umaga.

Ayon sa report, nakatakda sanang lumipad ang naarestong dayuhan at asawa nito papuntang Maynila.

Nangyari ang insidente mag aalas sais ng umaga nang tanungin ang pasahero tungkol sa kanyang mga gamit sa kanyang check-in baggage at sinabi nito na atomic bomb ang laman nito bago sinabing nagbibiro lamang ito.

Dito na nilapitan ng mga airline staff ang mga security para ireport ang insidente at bilang bahagi na rin ng kanilang pag iingat.

Nang muling tanungin ang nasabing foreign national sinabi nito na ang kanyang bagahe ay naglalaman lamang ng mga personal na gamit at agad na humingi ng paumanhin sa kanyang unang pahayag.

Dahil sa insidente, hindi na natuloy pang makalipad ang mag asawa at parehas dinala sa kustodiya ng mga kapulisan kung saan sasampahan ito ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *