Isang empleyado umano ng PMRB, pinagmulta sa illegal quarry operation sa Narra, Palawan

Huli sa akto ang isang Loader at dump truck habang nagsasagawa ng illegal Quarry Operation sa ilog ng Barangay Estrella Village sa Narra, Palawan.

Nitong Miyerkoles, February 22, 2023 ay nagsasagawa ng monitoring activity ang mga kawani ng Municipal Environment and Natural Resources sa lugar bilang bahagi ng regular na aktibidad.

Wala umanong maipakitang permit o dokumento ang drayber ng heavy equipment kaya agad itong pinatigil, ayon sa mga tauhan ng MENRO.

Napag-alaman sa driver/operator ng dalawang Heavy equipment na si Mr. Dennis Bautro na ang quarry operation ay pagmamay-ari ni Alberto Francisco Jr. na kawani pa umano ng Provincial Mining Regulatory Board o PMRB.

Una rito, ay nahuli din noong February 16, 2023 ng mga awtoridad sa ilog ng Barangay Estrella Village ang loader kung saan pinagmulta ito ng pitong libo at limang daang piso.

Samantala, agad nagbayad si Alberto Francisco Jr sa ikalawang paglabag kahapon ngunit binalaan na ito ng MENRO na huwag nang umulit pa sa iligal na aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *