Local News

Isang estudyante, nabiktima umano ng snatcher sa Brgy. Sta. Monica sa Puerto Princesa

Iniimbestigahan na ng Police Station 2 ang snatching incident sa isang babaeng estudyante s nitong gabi ng Miyerkoles, May 17 sa Barangay Sta. Monica, Puerto Princesa City.

Ayon kay PMaj. Noel Manalo, habang nag-hihintay umano ang hindi pinangalanang biktima sa kanyang kapatid sa Princesa Ville ay bigla daw hinablot ang cellphone ng riding in tandem.

Sa bilis umano ng pangyayari ay hindi nakita ng biktima ang mga mukha ng mga suspek at ang motorsiklong sinakyan ng mga ito.

Ipinakita na rin daw ng pulisya sa  biktima ang mukha ng mga posibleng may kinalaman sa krimen ngunit wala itong makitang palatandaan sa mga suspek sa snatching.

Gayunpaman, patuloy ang back-tracking ng mga imbestigador at pag-check sa mga CCTV malapit sa pinangyarihan.

BNFM Palawan

Recent Posts

Mga barko ng PH, Amerika, at France – tuluy-tuloy sa karagatang sakop ng Palawan

Nagpapatuloy ang Multilateral Maritime Exercise ng mga barko ng Pilipinas, US at France sa karagatang…

7 mins ago

Taiwan – muling niyanig ng magkakasunod na lindol

Muling niyanig ng magkakasunod na lindol ang Taiwan. 'Di pa rin natatapos ang serye ng…

23 mins ago

P15.5B na disaster relief fund, naka standby para sa El Niño

Tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) ang suporta ng pamahalaan para sa mga…

42 mins ago

Pilipinas, hindi pa umano handa sa paggamit ng nuclear power plant

Maraming nang mga bansa na ang naging bukas sa paggamit ng nuclear power dahil na…

43 mins ago

Political amendment sa Saligang Batas, malaki ang maitutulong sa paglaban sa gutom – senador

Binigyang-diin ni Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, Chairperson, Senador Robin Padilla…

49 mins ago

China, hinamon ng isang kongresista na tumupad sa kasunduan sa Amerika para umiwas sa “miscalculations”

Ikinalugod ni Cagayan De Oro City Second District Representative Rufus Rodriguez ang pangako ni US…

55 mins ago