Isang fatality sa rabies sa Naga nitong 2022 , sinisikap na hindi na madagdagan pa ngayong 2023

NAGA CITY-Tumaas ang bilang ng kumpirmadong may canine rabies nitong 2022 kumpara nitong 2021 sa Naga City.

Sa tala ng  City Veterinary Office, may 7 dog cases, isang cattle at isang tao ang namatay noong 2021. Isang tao rin ang nasawi noong 2022 pero 12 na kaso sa aso. Kaya naman unang dalawang linggo pa lamang ng 2023 puspusan ang panghuhuli ng galang aso sa lungsod.

Ayon kay City Veterinarian Dr. Junius Elad, umabot na sa mahigit isang libo ang nahuling aso noong 2022, 30% nito ay kinuha o binalukat  ng may-ari habang ang ibang walang kumuha o nag-ampon ay sumailalim na sa euthanasia.

Hiling ni Elad ang tamang pag-aalaga sa hayop pero mas pa sa tamang pag-iingat sa tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *