French star writer humiling ng ban sa sexually explicit film na nagtatampok ng kanyang sarili

Humihiling ng ban sa isang sexually explicit film ang French literary star na si Michel Houellebecq na kung saan tampok ang kanyang sarili.

Sinabi ng mga abogado ng French star writer, nais din niyang tanggalin ang trailer ng pelikulang “Kirac 27” ng Dutch filmmaker na si Stefan Ruitenbeek

Ang trailer na inilabas noong Enero ay nagpapakita ng shirtless na si Houellebecq na humahalik sa isang dalaga sa kama.

Naglalaman umano ito ng off-camera commentary ni Ruitenbeek na nagsasabing si Houellebecq ay sumulat sa kanya at naasabi na ang kanyang honeymoon sa Morocco ay nakansela matapos ang kanyang asawa ay gumugol ng isang buwan sa pag-book ng mga prostitutes.

Mariin naman itinaggi ito ng mag-asawa na naging dahilan para kumonsulta sila sa isang abogado at pinaba-ban ang pelikula.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *