Isang Ginang patay na ng matagpuan sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City

COTABATO CITY – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang ginang na nakilala lamang sa kanyang pangalang Bailo na residente ng Barangay Salimbao, Sultan Kudarat Maguindanao.

Ayon sa report, alas syete ng umaga kanina ng makita ang biktima na nakaupo sa tabi rin ng kanyang ginagawang higaan na karton sa tapat ng isang establisyemento sa bahagi ng SK Pendatun Avenue, Barangay Poblacion 5 dito sa lungsod.

Agad din namang naipaalam sa kanyang mga kaanak ang sinapit ni Bailoh at base sa inisyal na ulat, ilang beses na rin umano nila itong pinauuwi sa kanilang bahay ngunit bumabalik pa rin sa kanyang pagiging palaboy-laboy.

Matapos na malaman ng kanyang mga kaanak ang sinapit nito ay agad na kinuha ang kanyang bangkay upang mabigyan ng disenteng libing. Natural death ang ikinasawi ng ginang ayon pa sa report.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *