Nagbabantay ang mga tanod sa Baranggay Carmona, Makati sa pagsisimula ng Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nang biglaang dumating ang mga lalaking naka-motor.
Kwento ng isang tanod, tinutukan siya ng baril, sinipa, at pilit na pinapaalis sa lugar kung saan sila naka-puwesto para magbantay.
Bukod dito, isa ang sugatan nang hinampas ng kahoy ang ulo ng community police.
Ayon kay Christopher Nacario, tanod na hinataw ng kahoy, minura pa siya ng mga ito habang patalikod na sinuntok sa bumbunan.
Aniya, nagpasuntok na lamang siya dahil tinututukan ito ng baril.
Sa ngayon, arestado na ang tatlo sa mga suspek na umano’y dayo lang sa lugar at tauhan daw ng isang kumakandidato sa Baranggay Carmona.
Samantala, pinabulaanan naman nila nag mga paratang sa kanila at sinasabing ang mga tanod ang nagsimula ng away.
Sa kasalukuyan, wala pang inilabas na pahayag ang kandidato umano sa likod ng nangyaring insidente.