Isang harvester, hinihinalang sinunog sa Palawan

Ipinauubaya ngayon ng lokal na pamahalaan ng Barangay Mambalot, Brookes Point  Palawan ang imbestigasyon sa Bureau of Fire Protection sa nangyaring pagkasunog ng isang harvester kagabi, May 2, 2022.

Ayon kay Kapitan Rhodora Rasimo, labis ang panghihinayang nila sa nangyari dahil nagkakahalaga ang nasunog na equipment ng 1.5 million pesos at hindi pa ito nagagamit.

Ito ay nakatakda na sanang maibigay sa Mambalot Farmer Association.

Ang harvester ay tinurn-over sa Barangay nito lamang April 21, 2022 na kaloob ng Ipilan Nickel Corporation.

Samantala, may agam- agam ang opisyal na posibleng sinadya ang pagsunog sa harvester.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *