Isang ina, nag-aalala sa kalagayan ng anak sa Saudi matapos kunin umano ng amo ang cellphone

Labis ngayon ang pag-aalala ni Annie Ballenas Candolita  ng Narra Palawan para sa kalagayan ng anak niyang si AiLen Grace Candolita Gaborno ng isang OFW sa Saudi.

Ayon kay Mrs. Annie, hindi na nya nakakausap si Ailen magmula noong December 2021 matapo na umano’y kunin ng amo nito ang cellphone.

Pinangangambahan din nito kung patuloy na nakakaranas ng pananakit si Ailen sa anak ng amo nito sa Abroad.

Nakipag-ugnayan na rin daw si Mrs. Annie sa Green Crescent Manpower pero wala pa ring nangyayari ngunit nangako umano ang recruitment agency ng anak para malaman ang totoong kalagayan ni Ailen habang nasa Jeddah.

Ang Brigada News FM ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa concerned agencies.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *