Isang Ina sa Palawan, ipinanawagan dahil iniwan umano ang mga anak sa magulang nang umalis na walang paalam.

Isang ina mula sa Bgy. Calategas , narra Palawan,  ipinanawagan dahil iniwan umano  ang mga anak sa magulang  nang umalis na walang paaalam.

Ayon kay Feliza , galing Saudi ang kanyang ate at umuwi nitong buwan ng Agosto para muling makapiling ang kanilang pamilya.

Ngunit nitong September 5 ay muling umalis ang kanyang ate na walang sinabi kung saan pupunta na hanggang ngayaon ay hindi alam ng apat na bata  na nag eedad 12 taong gulang  , 10 , 7 , at  5 taong gulang naman ang bunso  kung  nasaan na ang kanilang ina.

Kapansin –pansin din umano simula nang dumating ang kanyang kapatid dalawang linggo nang nakakaraan ay panay cellphone umano ang inaatupag nito kahit pag-asikaso sa apat na bata ay hindi umano magawa ng kanyang ate na si fely Ann Rubio  Butaca.

Sa ngayon naiwan sa puder ng kanilang magulang o sa lola ang apat na bata.

samantala , Hindi maituturing na ibandona ng magulang ang kanyang apat na anak sa Bgy. Calategas , Narra , Palawan.

Ayon kay  Atty. Tony Roman III , Hindi rin maaring sabihin na  naging pabaya ang magulang dahil lamang sa madalas na paggamit ng cellphone maliban lang kung nalagay sa pelligro o napinsla ang kanyang mga anak.

Ang maaring gawin umano rito ay idulog sa DSWD na may awtoridad na makialam  sa ganitong sitwasyon lalo na kung walang kakayanan ang lola o  sinumang mniyembro ng pamilya na alagaan ang mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *