Isang kasambahay na dalawang linggo pa lang umano sa trabaho, huli dahil sa pagnanakaw

Kulong ang isang menor de edad na kasambahay na miyembro ng LGBTQ+ community matapos na mahuli sa ginawang pagnanakaw sa kanyang amo nitong Lunes, ika- 20 ng Pebrero 2023.

Ayon sa amo ng suspek, magdadalawang linggo pa lamang umano ang kasambahay sa kanila pero hindi nila sukat akalain na gagawa ito ng hindi maganda.

Nagulat na lamang ang amo nang mawala kahapon ng umaga ang tinatayang 11,000Php na nakalagay sa drawer ng kanilang computer.

Napag-alaman nito na nasa loob ng isang department store sa Barangay San Manuel sa Puerto Princesa ang suspek kaya agad niya itong pinuntahan at hinuli.

Kalaunan ay nadiskubre na gumagamit lamang ng mga alyas ang suspek sa tuwing ito ay mag-a-apply ng trabaho at napag-alaman na dati na rin nasangkot sa pagnanakaw ng cellphone sa dating pinagtrabahuan.

Samantala, nahaharap na ang suspek sa kaukulang kaso habang ito ay nasa kustodiya ng Police Station 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *