Isang kompanya sa China, hindi tumatanggap ng job applicant na may ‘malas” na phone number

Binatikos ng mamamayan ang isang kompanya sa China matapos malamang hindi ito tumatanggap ng mga aplikante na may “malas” na cellphone number.

Naniniwala kasi umano ang may- ari ng hindi pinangalanang education company sa Shenzhen, Guangdong na malas ang mga taong may numbering “5” sa kanilang ikalimang digit ng kanilang cellphone number kaya rejected ang kanilang job application, base sa ulat kamakailan ng Chinese news outlet.

Kahit na kwalipikado ang aplikante ay itsapwera ito maliban na lamang daw kung magpapalit ito ng number kaya naman nag-viral ito sa Chinese websites at maraming ang nagulat.

Naniniwala ang isang astrology at numberology expert na si Jimenjun na ang ganitong klase ng requirements sa job application ay nakabase sa ancient Chinese divination book na “I Ching” kung saan may teorya na ang magkakasunod-sunod na 5 ay malas.

Ang tao umano na may “5” sa ikalimang digit ng cellphone number ay maaaring hindi sumunod sa mga nakatataas sa kanya at maaaring magdala ito ng pagkalugi sa kanyang pagtatrabahuan.

Dahil sa hiring condition na ito ng kompanya, may mga ninais na i-boycott ang naturang kompanya at naniniwalang sila na ang kompanya ang mawawalan ng magagaling at matatalinong aplikante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *