Isang kubo nasunog sa Ligao City; nagkakahalagang pinsala sa sunog, umabot sa P3K

LEGAZPI CITY – Nasunog kagabi ang isang 3×3 makeshift na kubo na gawa sa light materials sa P-2, Brgy. Busay, Ligao City.

Kinilala ang may-ari na si Jayson Polarina Sabile, 23 anyos, binata, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa impormasyon, isang concerned citizen ang nagpaabot sa Ligao CPS at BFP na isang insidente ng sunog ang nangyari sa tirahan ng biktima.

Mabilis namang rumesponde ang BFP personnel sa nasabing lugar upang apulahin ang nasusunog na kubo.

Nangyari ang insidente nang nasa loob ng kubo ang may-ari na may nakasinding kandila na hindi niya nabantayan.

Nagawa pang tumakas mula sa pinangyarihan nang hindi nasaktan at humingi agad ng tulong sa kanyang kapitbahay.

Nagtagal ng halos 30 minuto bago ideklarang fired out na ang sunog sa lugar.

Ang nasunog na kubo na gawa sa light material ay nagkakahalagang humigit-kumulang tatlong libong piso (Php 3,000.00).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *