Isang lalaki namatay dahil sa sobrang trabaho sa Thailand

Makakatanggap ng compensation mula sa kanyang kumpanya ang pamilya ng isang Thai news channel employee matapos mamatay dahil sa sobrang pagtatrabaho.

Ayon sa ulat, ang biktima ay kinilalang si Sarawut Srisawat na nag collapsed sa kanyang mesa sa Thai News Network building sa Bangkok.

Ang 44-anyos na biktima ay nagtrabaho bilang senior manager na namamahala sa schedule ng mga programa sa TNN.

Si Sarawut ay regular umanong nag-oovertime sa pitong araw sa isang linggo ng kanyang trabaho. Idinagdag sa ulat na may mga sakit ito kabilang ang diabetes at highblood pressure at kalaunan ay nakumpirma na siya ay namatay sa atake sa puso.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Labor Protection Department sa employer ng biktima dahil sa pagbibgay lamang umano sa kanyang ng isang araw na pahinga sa trabaho bawat linggo ayon sa itinatakda ng batas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *