Hinatulan ng korte ng Sweden nitong Huwebes ang isang lalaki sa pag-uudyok ng ethnic hatred, sa pamamagitan ng pagsunog ng Koran noong 2020.
Ito ang unang pagkakataon na nilitis ng sistema ng hukuman ng bansa ang paratang para sa paglapastangan sa banal na aklat ng Islam.
Kinondena ng gobyerno ng Sweden ang mga paglapastangan, matapos ang pagdami ng mga nagsusunog ng Koran sa bansa.
Ang Linkoping district court ay napatunayang nagkasala ang 27-taong-gulang na lalaki, na nagsasabing ang kanyang aksyon ay tina-target sa mga Muslim at hindi sa Islam bilang isang relihiyon.