Isang libong mga sasakyan naitatalang pumapasok araw-araw sa Camarines Sur ilang araw bago ang pasko

NAGA CITY- Isang libong mga sasakyan na ang average na bilang ng mga pumapasok sa Camarines Sur ilang araw bago ang pasko 2022.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMaj. Emillio Endrano hepe ng Del Gallego PNP.

Aniya ang mga sasakyang ito ay pribado, pampubliko at marami rin ang mga truck na dala ang mga agricultural products at supplies sa department stores tulad ng groceries. Nagsimula ito sa unang araw ng Misa De Aguinaldo.

Inaasahan pa nila ang lalong pagkapal ng volume ng mga sasakyan kaya naman abala sila sa traffic assistance, katuwang din ang Municipal Risk Reduction and Management Council at Force Multiplier kung may rerespondehan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *