Isang linggong heightened alert, ipinatupad na rin sa PNP

Sumasailalim ang Philippine National Police sa heightened alert bilang parte ng security operations upang matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Holy Week.

Ayon kay PNP officer-in-charge Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang naturang security alert status ay nagsimula noong Linggo, alas-8 ng umaga, at magtatapos din sa Easter Sunday ng alas-8 ng umaga.

Dagdag ni Sermonia, masisiguro ng hakbang ang maximum availability ng mga miyembro ng kapulisan, maging ang resources para sa law enforcement at public sfaety operations ngayon Semana Santa.

Sa ilalim ng heightened alert, hindi bababa sa 80% ng 227,000 strong police force ay maaaring ideploy ng ahensya.

Bukod dito, magde-deploy rin ang PNP ng “red teams” upang matiyak ang compliance ng mga police officers sa direktriba na ibinigay ng national headquarters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *