Isang mag-aasin sa Zambales umaasang mas mapapansin ng gobyerno

Umaasa ang isang mag-aasin sa Zambales na mapapansin ngayon ng gobyerno.

Ito ay matapos na mapag-usapan at mapuna ng ilang senador ang hinggil sa pagbaba ng lokal na produksyon ng asin sa bansa.

Sa bayan ng Palauig, halos 40-taon nang pag-aasin ang hanapbuhay ni Mang Willy Del Rosario.

Mula sa dating paggawa na ngayon ay nagsisilbi ng refinery ang kanilang proseso kung saan nanggagaling naman sa Dasol, Pangasinan ang rock salt o barara kung tawagin na ginagamit.

Kwento pa nito, noong may sarili pa silang lupa ay mas malaki ang kinikita sa paggawa ng asin dahil malawak ang lugar kumpara ngayong refinery na lamang.

Dito ay pinipino ang barara para maging iodized salt at dahil ang mga kinakailangan sa panluto ay kanila ring binili, mas mababa ang kinikita ngayon.

Kamakailan umano ay binisita na rin sila ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kaya umaasa si Del Rosario na mas mabibigyan ng pansin ngayon ang mga may hanapbuhay na kagaya nila.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *