Isang mag-anak sa Naga City lahat under medication matapos na mag positibo sa hiv kabilang ang sanggol at mga batang kapatid nito

NAGA CITY – Patuloy na nalalagay sa panganib ang mga bata pati na rin ang sanggol, kung mahahawaan ng HIV o Human Immunodeficiency Virus ang inang nagbubuntis.

Kung hindi maagapan ang HIV ay posibleng mauwi sa full blown Acquired Immunodeficiency Syndrome o AIDS.

Patunay nito ang isang mag-anak sa Naga City na may HIV na dahil sa nahawaan ang ina, ito ang kinumpirma ni Grace Guevarra, Head ng City Hygiene Clinic bilang kanilang patuloy na kampanya laban sa nakamamatay na impeksyon na ito.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Guevarra, nabanggit nito na ang mag-anak ay nasa maayos namang kalagayan, dahil naibibigay naman nila ang tamang regular na medikasyon sa mga ito.

Kailangan lang aniyang maagapan, ang isang may HIV lalo na ang buntis, dahil sa agad na nahahawaan ang sanggol na nasa sinapupunan nito.

Panawagan nilang muli sa mga buntis na nanay, magpa Free HIV /AIDS Test sa kanilang klinika para agad na mabigyan ng tamang medikasyon kung may sintomas na.

Ngayong taon, may isang babae ang naitala nilang may HIV at under medication na rin ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *