Isang mall sa Batangas City, magsisilbi na rin bilang bagong vaccination site sa lungsod

Simula kahapon ay nagsilbi na bilang bago at karagdagang COVID-19 vaccination site sa lungsod ng Batangas ang SM City Batangas.

Katuwang ng vaccination team ng City Health Office (CHO) at ng iba pang tanggapan ng pamahalaang lungsod ang pamunuan ng nasabing mall sa pag-aayos ng proseso ng pagbabakuna at sa implementasyon ng minimum health standards at health and safety protocols.

Samantala, sa pagsisimula ng bakunahan sa nasabing mall, umabot sa halos 1,000 mga senior citizens at may co-morbidities ang nabakunahan mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod kabilang ang mga barangay Pallocan West, Pallocan East, Gulod Labac, Gulod Itaas, Dumantay, San Isidro, Libjo, Ambulong, Tabangao, at Tulo Dumantay.

Inaasahan na sa pamamagitan ng karagdagang vaccination site kaalinsabay ng hiling para sa karagdagang alokasyon ng COVID-19 vaccines,  mas maraming Batangueño pa ang makakatanggap ng bakuna sa mga susunod na araw upang maabot ang inaasam na herd immunity.

Mababatid na tanging ang Batangas City Sport Complex lamang noong una ang vaccination site sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *