Isang ‘mandurukot’, huli sa Puerto Princesa pero pinakawalan

Pinag iingat ang mga mamimili sa Puerto Princesa Old Public market sa isang nakilalang mandurukot na lalaki.

Ayon kay Old Market Administrator Lanie Abarca, nahuli ang umano’y madurukot na isang 53 anyos at residente ng Barangay Bagong Silang sa lungsod.

Matapos mahuli ng mga security ng pamilihan ay agad itong dinala ng Anti- Crime Task Force sa Police Station 1 nitong Biyernes, ika- 28 ng Pebrero at doon inimbestigahan.

Gayunman, hindi naghain ng pormal na reklamo sa pulisya ang biniktima ng suspek matapos maibalik sa kanya ang dinukot na 850Php mula sa dala-dala nitong bag.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng pamilihan sa barangay na tinitirhan ng suspek at binalaan ito na ‘wag nang tumuntong sa pamilihan bunsod ng pagkainis ng mga humuli sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *