Isang minero arestado dahil sa tatlong bilang na kasong panggagahasa sa kanyang sariling anak

CAMARINES NORTE- Arestado ng pinagisang pwersa ng mga otoridad ang isang minero dahil sa kinakaharap nitong kasongkasong 3 Counts of Rape by Sexual Assault in Relation to RA 7610 dakong 3:00 ng hapon nitong Miyerkules sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ito sa kanyang alyas na “LOLOY”, 41 anyos, at residente ng nabanggit na lugar

Inaresto si Alyas Loloy sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Rene Morallo De La Cruz, Presiding Judge ng RTC  Branch 5, Daet, na may petsang Nobyembre 16, 2021

Umaabot sa anim na raang libong piso ang pyansang inirekomenda ng korte para sa pansamantalang kalayaan nito

Sa report ng pulisya , si LOLOY ang akusado sa pangmomolestiya sa kanyang sariling anak na naganap noong mga buwan ng Pebrero, Marso at Abril, taong 2021 sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Ang arestado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Jose Panganiban MPS para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *