Isang negosyante, naglagay ng libreng SIM card registration site sa bayan ng Brookes Point

Naglagay ng libreng SIM card registration area ang isang negosyante sa bayan ng Brookes Point, Palawan.

Ito ay sa Tuale Store na matatagpuan sa harapan ng Poblacion.

Nagsimula ito ngayong Martes at tatagal hanggang April 25, 2023 na layong matulungan ang mga hindi pa rehistrado ang mga sim card at walang mga mobile phone.

Magpapahiram umano ng mobile phone ang may-ari upang mapadali ang registration.

Nais umano ng may-ari nito na si ginoong Tuale na makatulong sa mamamayan lalo na sa mga senior citizen na hindi alam ang proseso ng registration.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga nais na pumunta sa kanyang tindahan na magdala ng valid ID at ang ire-rehistrong numero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *