Isang opisyal ng DA, nasabon dahil sa hindi pag-alerto sa PCC sa cartels at nawawalang sibuyas sa bansa

Nasabon ng isang mambabatas ang isang opisyal ng Department of Agriculture matapos mabunyag na hindi naalerto ang Philippine Competition Commission sa cartels at nawawalang sibuyas sa bansa.

Tinanong ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa House Committee on agriculture and food hearing si DA Director at Bureau of Plant Industry (BPI) officer-in-charge Gerald Glenn Panganiban kung tiningnan nila ang mga issues sa supply-side hinggil sa kakulangan ng sibuyas sa bansa.

Sinagot siya ni Panganiban sa pagsasabing bumisita sila sa mga cold storage facilities at nagkuwento pa na may mga pagkakataong nawala ang mga bagay na kanilang naobserbahan sa loob ng container nang i raid ng mga awtoridad.

Nang tanungin ni Quimbo kung ang mga insidenteng ito kabilang ang posibleng paglaganap ng mga kartel na nagmamanipula ng mga presyo ng sibuyas ay naiulat na sa PCC, sinabi ni Panganiban na hindi,  na ikinagalit na ng mambabatas.

Binanggit din ni Quimbo na ang bansa ay  nagkaroon ng pinakamababang presyo ng sibuyas sa Asean noong 2019 kasama ng sobrang supply,  na aniya ay nakapaka misteryoso dahil sa naging kakulangan at overpricing nito pagkalipas ng tatlong taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *