Isang paaralan sa lunsod ng Legazpi, kabilang sa mga ginawaran bilang top performing school sa HKISO 2022 heat round

Napabilang ang Legazpi City Science High School (LCHS) sa mga ginawaran bilang isa sa top performing schools sa kamakailang Hong Kong International Science Olympiad 2022 Heat Round.

Batay sa datos, nasungkit ng nasabing paaralan ang tigtatlong gold medals at silver medals; limang bronze medals habang mayroong namang anim na merits.

Ang parehong paaralan ay mayroong 5 participants sa nasabing paligsahan.

Samantala sa kaparehong datos, isa pang paaralan mula sa Bicol region ang nakasama sa top performing schools at ito ay ang Sorsogon Pilot Elementary School na nakakuha rin ng dalawang gold medals, siyam na silver medals habang labimpito naman ang bronze medals.

Sa kabuuan, may 102 na mga paaralan ang nakiisa sa nasabing paligsahan kung saan apat dito ang nakakuha rin ng award na Top performing school.

Ang naturang paligsahan ay isang international science competition na isinasagawa taun-taon sa buong mundo kung saan kinabibilangan ito ng apat na kategorya: Physics, Biology, Chemistry at Integrated Science.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *