Isang paaralan sa Naga City, hindi pa nakakapag fully implement ng F2F Classes

NAGA CITY-  Apat na paaralan ang hindi sana makakapag fully implement ng face-to-face classes simula ngayong Nobyembre,  kaya naman ang mga ito ay tinutukan ng Department of Education Naga City Division upang makapag comply sa mga requirement pero may natira pa ring isa.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman. Aniya kulang ng 22 classroom ang School of Arts and Trade at kulang din ng 18 na guro sa sekondarya. Ayon pa sa opisyal kung silid-aralan lamang kaya itong maremedyohan pero kung kulang pa sa guro problema pa rin naman.

Hanggang sa ngayon may shifting pa ng klase upang ma accommodate lahat. Blended learning ang ipinapasunod.

Samantala, ipapatupad din ng DepEd ang Executive Order No. 7 o ang boluntaryong pagsusuot ng facemask indoor man o outdoor. Pero sa tingin ng SDS mag fi-facemask pa rin ang mga bata dahil nakasanayan na , depende na aniya ito sa kanila at sa kanilang magulang dahil hindi lang naman COVID-19 ang naiiwasan ng facemask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *