Isang paaralan sa Quezon City, nasunog ilang minuto matapos ang isinagawang fire drill

Umabot ngayong umaga sa ikalawang alarma ang sunog sa Starland International School (SIS) sa 12th Avenue, Cubao, Quezon City.

Nagsimula ang sunog bandang alas otso ng umaga na naapula naman pagkalipas ng dalawang oras.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ilang minuto matapos ang fire drill ay nakita ng ilang estudyante ang usok sa likod ng stockroom.

Nakaligtas naman ang 175 na estudyante at faculty members mula rito.

Samantala, kasalukuyan pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng apoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *