Isang Palaweñong OFW, kritikal matapos tumalon sa ikatlong palapag na gusali sa Saudi

Nagpasaklolo sa Brigada News FM ang isang ina mula sa Rizal, Palawan upang ipanawagan ang kanyang anak na OFW ngayon sa Saudi Arabia.

Ayon Mrs. Panilyn Camias, kritikal kasi ang lagay ng kanyang anak na si Flordeline Lura Gorospe sa Hospital ng Jeedah matapos umanong tumalon sa tatlong palapag na gusali na kanyang pinagtatrabuhan.

Duda ngayon si Mrs. Panilyn dahil hindi umano magagawa ng kanyang anak ang magpakamatay.

Aniya, una na rin nabanggit ng kanyang anak na nakakaranas umano siya ng pagmamalupit ng kanyang katrabaho na isang Indian.

Humihiling naman si Mrs. Camias sa agency at POEA na tulungan ang kanyang anak makauwi sa Pilipinas.

Samantala, nakikipag ugnayan na ang Philippine Overseas Employment administration (POEA) sa agency ng OFW para alamin ang totoong lagay nito.

Ayon kay Ross Ann Aquino ng POEA, pagagalingin muna ang OFW sa Saudi bago ito makakauwi.

Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag ugnayan ng Brigada sa agency ng Palaweña.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *