Isang pamilya sa Peñablanca, benepisaryo ng libreng pabahay

Ipinasakamay na ng Peñablanca Police Station ang bahay ng isang pamilya sa Barangay Bugatay kung saan ito na ang pangalawang natapos sa ilalim ng kanilang Libreng Pabahay Project.

Inihayag ni PMaj Harold Ocfemia ang hepe ng PNP Peñablanca, na ang napiling benepisaryo ay ang pamilya ni Gng. Caridad Santiago.

Bukod sa bagong bahay ay nakatanggap rin ang mga ito ng food packs, school supplies at iba pang kagamitan na makatutulong sa kanilang pang-araw araw na pangangailan.

Tiniyak naman ng LGU-Peñablanca ang tuloy-tuloy na suporta sa proyekto ng kapulisan upang makatulong sa mga higit na nangangailangan sa pamamagitan ng outreach program.

Nasa P300,000 ang pondong ginamit ng PNP Peñablanca sa pagpapatayo ng bahay bukod pa sa tulong na ibinigay ng LGU.

Bahagi pa rin ng best practices ng PNP ang libreng pabahay at nakaangkla sa Executive Order 70 o National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *