Isang pamilya sugatan matapos mabangga ng pick-up ang sinasakyang motorsiklo.

Sugatan ang isang pamilya nang mabangga ng isang Pick-up ang sinasakyang motor, alas 3:00 kahapon ng hapon, September 14,2021 sa bahagi ng National highway Sitio Quinorong,  Barangay Salogon, Brookes Point, Palawan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jim Dolmici y Narmis 44 anyos, may asawa, magsasaka, minamaniho ang isang SRM motorcycle, Jingjing Dolmici y Narmis, 40 anyos may asawa, at Donajean Alcober y Dolmici, 23 y/o, married, na pawang mga residente sa Brooke’s Point, Palawan, Habang ang driver naman ng Pick-up ay si Jonly Lihaylihay y Monsanto 35 anyos, may asawa at residente sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, binabaybay ng dalawang sasakyan ang parihong daan patungong Sur ng lalawigan nang makarating sa lugar kumaliwa ang motor patungong ibang bahagi ng kalsada, subalit mula sa likuran ay bumangga sa kanila ang Pick-up kaya tumilapon ang mga sakay ng motor sa gilid ng kalsada.

Samantala agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima habang boluntaryo namang sumuko ang suspect na nahaharap sa kasong Multiple Physical Injuries and damage to Property.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *