Isang panibagong kaso ng COVID- 19 naitala sa bayan ng Mercedes noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE – Nakapagtala muli ng panibagong kaso ng COVID- 19 noong nakaraang linggo sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ang bagong kaso ng COVID- 19 ay si Bicol No. 64938, 19 anyos na babae mula sa Barangya 7 na naka home quarantine ngayon.

Asymptomatic ang pasyente, walang travel history at hindi pa batid kung paano nakuha ang sakit.

Unang nagpakonsulta sa doktor noong October 31 at lumabas ang resulta ng RT- PCR test na nagsasabing positibo ito sa sakit noong November 5.

Dahil dito umaabot na ngayon sa  194 ang mga naitalang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.

Sa bilang na ito 172 ang  gumaling habang 21 naman ang nasawi.

Ayon sa LGU hindi pa tapos ang laban sa COVID- 19 kaya hinihikayat ang lahat na magpabakuna.

Araw- araw ang ginagawang bakunahan sa Municipal Health Office at dumadayo rin sa mga malalayong barangay para magbakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *