CAMARINES NORTE – Mayroong panibagong isang (1) kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte
Base sa case bulletin report ng DOH bicol kahapon, naitala ang panibagong kaso mula sa bayan ng Daet
Sa ngayon mayroon ng 561 total cases ng COVID-19 ang Camarines Norte mula sa naturang bilang umakyat na sa 198 ang aktibong kaso habang walang naitalang nakarekober sa sakit kung kayat nananatili ang bilang nito sa 333 gayundin ang bilang ng mga nasawi na may 30
Patuloy pa rin ang ating panawagan ng naturang kagawaran na sumunod sa mga paalala at polisiya ng Gobyerno katulad ng pag sunod sa Minimum Health Standard kagaya ng pagsusuot ng Face Mask at Face Shield , Social Distancing at Palagiang paghuhugas ng mga kamay