Isang pasahero na namatay sa aksidente sa Brgy. Sta.Lucia, hinihinalang buntis

Dobleng-dagok ang pinagdadaanan ngayon ng pamilya ng pamilya ni Gel Delos Santos Escasinas- ang isa sa apat na pasaherong nasawi sa naaksidenteng van sa Barangay Sta. Lucia, Puerto Princesa City.

Ayon sa pamilya at mga malapit na kaibigan nito, hinihinala nilang buntis si Gel sa unang magiging anak sana nito.

Ilang araw na kasi umano itong “delayed” kaya ganoon ang kanilang hinala.

Sa kabilang banda, patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang kapatid ni Gel sa isang ospital sa Puerto Princesa na kasama nitong naaksidente nitong Linggo, April 30.

Samantala, nagpapasalamat ang pamilyang naulila ni Gel sa mga patuloy na nagpapadala o nagbibigay ng tulong at mga nagpapa-abot ng pakikiramay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *