Isang pick up, bumangga sa Balayong Park Rotonda


Wasak ang harapan at butas ang gulong ng isang pick-up Strada nang bumangga ito sa Balayong Rotonda ganap na alas-onse kwarenta kagabi, ika-14 ng Pebrero 2023.

Kinilala ng PNP ang drayber nito na si Rodante Sequijor Macaraig, 46 anyos ng Purok Maagap, Brgy. Sta Monica,Puerto Princesa City.

Sa imbestigasyon ng Police Station 2, nanggaling sa PSU area ang behikulo at patungo sa Rafols Road ngunit pagdating sa Rotonda ay doon na ito bumangga.

Hindi naman nasaktan ang drayber nito, ayon sa PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *