Isang punong barangay sa Naga, itinanggi ang umano’y pagiging protektor ng iligal na sugal

NAGA CITY – Pinabulaanan ni Balatas Punong Barangay Allan San Juan na protector umano ito ng Jueteng at Small Town Lottery o STL sa lungsod ng Naga at handa siyang ibigay ang listahan ng mga pangalan nang nagpapataya.

Pagbibigay diin nito matagal nang mayroong nagpapataya ng STL sa lungsod at sa katunayan kilala pa mismo ng opisyal ang labindalawang koryador na nagpapataya sa kanilang lugar pero sa Naga lamang ang koleksyon.

Kaugnay nito, nais malaman ngayon ni San Juan kung ano ang naging basehan ng isang Konsehal sa pagdadawit sa kanya bilang isang protector, gayong nangyayari rin ito sa ibang mga barangay.

Iminungkahi pa ng Punong Barangay na handa itong sumama sa PNP sa paghuli sa mga nagpapataya ng STL sa kanyang barangay upang mapatunayan na hindi siya sangkot.

Hamon nito sa ibang Punong Barangay na isumite ang lahat ng pangalan ng mga koryador at iba pang nagpapataya ng STL sa kanilang lugar upang tuluyan ng matigil ang illegal na sugal sa lungsod ng Naga.

Sa panig ng PNP, ang kanilang mga naaresto noong 2022 ay sangkot sa “illegal number games” hindi naman matumbok kung ito ay STL dahil hindi nga pinapayagan ang STL o kung ito ay Jueteng.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *