Isang resolusyon, inihain sa Kamara bilang pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Aquino

Isang resolusyon ang inihain ng ilang kongresista bilang pakikiramay ng Kamara sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino.

Pinangunahan ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman kasama ang ilang mambabatas mula sa Liberal Party ang paghahain ng resolusyon kasunod ng pagyao ng dating Pangulo ng bansa.

Sa resolusyon, kinilala ang mga nagawa ni dating Pangulong Aquino lalo na sa pagsusulong ng reporma sa good governance, mga hakbang na ginawa kontra korapsyon at transparency sa ilalim ng mantra na “Kayo ang Boss ko” at “Daang Matuwid”.

Sa loob ng anim na taong termino ni Pnoy, isinulong din nito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s), at Universal Healthcare Services na nagbenepisyo sa milyong-milyong mga Pilipino.

Nakasaad din sa nasabing resolusyon ang aksyon ng dating Pangulo laban sa China at ipinaglaban ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *