Isang senior citizen, kumpirmadong patay sa Quezon

Kinumpirma ng Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na mayroon nang casualty sa probinsya dulot ng pananalasa ng Bagyong Karding.

Sa panayam ng Brigada News FM sa Quezon PDRRMO, isang 70-anyos na senior citizen na taga Sitio Subok, Barangay Aluyon, Burdeos, Quezon ang nasawi kung saan natabunan raw ito ng landslide sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Kaninang umaga, narekober ng mga tauhan ng Burdeos PNP katulong ang mga barangay official ang katawan ng biktima.

Samantala, may mga naitala ring sugatan sa lalawigan dahil pa rin sa bagyo.

Sugatan ang isang barangay kagawad Bañadero sa bayan ng Polillo matapos itong mahulog mula sa bubong ng kanyang bahay

Ayon sa report, nag aayos ng kanyang bubong ang biktima bilang paghahanda sa paparating na bagyo nang aksidente itong mahulog.

Agad itong isinugod sa pagamutan sa Polillo para malapatan ng lunas.

Samantala, sa isa namang pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Deputy Spokesperson Asec. Raffy Alejandro na kinukumpirma pa nila ang iba pang mga napaulat na casualties kabilang na sa Bulacan at sa Nueva Ecija.

Kaninang umaga nang kumpirmahin ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang pagkasawi ng limang mga rescuer sa San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Alejandro – inaalam nila kung nasawi ba ang mga rescue personnels habang tumatawid ng creek sa kasagsagan ng kanilang operasyon.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *